Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Kwentong Pamilya
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Two Dads and a Funeral

$
0
0

Tulad ng pagkakapares ng betlog ko, dalawa din ang tatay ko.  Gulat ka ‘no?  Isa itong parte ng nakaraan ko na hindi ko masasagot, pangalawa sa usaping bakit may buhok tayo sa paligid ng butas ng pwet.  Hindi mo alam ‘yon?  Subukan mong salatin ang pwet mo, meron. 

 

Pano ako nagkaroon ng dalawang ama?  To cut the story short:  Naghiwalay ang Mommy at ang kanyang unang asawang si Papa Ceasar, isang pulitiko.  Ilang buwan lang, pumasok naman sa eksena ang pangalawang asawa ni Mommy na si Papang Manolo, isang gago.  Pinanganak ako na kulang sa buwan, kaya pinagpipilitan ni unang tatay na anak niya ako na ayaw namang pumayag ni pangalawang tatay.  Konklusyon:  Tsk.  Ang ganda ng nanay ko. 

 

Mahirap i-reconcile ang ganitong sitwasyon pero sabi nga, ‘truth is stranger than fiction’.  Para sa isang lipunang ‘machismo’ at sagad sa panonood ng soap opera, wala nang bago sa ganito.  Naging isang ‘conscious effort’  na lang sa pamilya na ‘wag nang pag-usapan pa kung kaninong tamod ako nanggaling para walang partido ng pamilya na sasama ang loob.  Nakakatorete lang ng utak.   

 

Matagal nang pumanaw ang nakagisnan kong tatay na si Papang Manolo, ‘yung bandidong pangalawang asawa ni Mommy.  Sampung taon na din siguro ang nakalipas, mga ganun, ‘di ko sigurado.  Ang sigurado lang namatay siya sa hayblad.  Katakawan sa isaw, chicharon at pwet ng manok.  Weird.  Ang isa pang sigurado ay malamang fertilizer na siya ngayon.

 

Pero bilib ako sa tatay kong ‘yun.  Siya ang nagturo sa ‘kin ng salitang ‘responsibilidad’ at kung kailan tama ang manggulang ng kapwa.  Kung minsan naman naghahabulan kami ng suntok at taga, pero ganun talaga, ‘yun na ‘yung  ‘bonding moments’ naming mag-ama.  Sa kanya ko nakuha ‘yung pagiging mainitin ang tenga at pakikipag-basag ulo samantalang ‘yung isa, dahil isang pulitiko, ‘yung pagiging natural na bolero.  Kasalukuyang bise mayor sa ‘min ang isang kuya ko ngayon at kinukumbinsi akong sumunod sa ganung yapak.  Wala akong plano.  Masyado nang magulo buhay ko, ayaw ko nang dagdagan.  Kakaririn ko na lang mag-blog, magparami ng page hits at iba pang kapaki-pakinabang na gawain tulad ng panonood ng mga babaeng nagre-wrestlingan sa putikan.

 

Tanggap ko na ganito ang nakaraan ko.  Saka ok lang, napangakuan ako ng tatay kong buhay na pagdating ng takdang panahon, ipapamana niya ang ilang bahagi ng kanyang ekta-ektaryang manggahan sa ‘kin. Ayos ‘yon.  Sana nga kunin na din siya ni Lord. 

 

Undas na naman.  Pero di ko madadalaw si Papang Manolo sa puntod niya ngayong taon.  Nasabi ko na kasi lahat ng gusto kong sabihin sa kanya nung mga nakaraang taon.  Kung meron mang hindi pa, ‘yun ‘yung panghihinayang na di na niya naabutan ang apo niya sa ‘kin at di na niya na-meet ang maganda kong asawa.  Sori din kung naging matigas ulo ko.  Tsk.  San ka man ngayon – langit man o impiyerno, rest in peace papi.  ‘Kaw na lang bumisita sa bahay namin, mas convenient pa, walang gaanong trapik ngayon.  Joke only.  Wag kang bibisita, takot ako sa mumu.  Sasabuyan kita ng holy water saka asin.  Tapos ia-arm lock kita sabay angas look ni Undertaker.   Subukan mo lang tignan mo, makita mo hinahanap mo. 

 

 

NB.  Congrats sa libu-libong sumali [read:  anim] sa ‘king NoseBleed Magazine parapol.  Congratulations kay endaymo.blogspot.com at legendarypauee.blogspot.com, nanalo kayo ng tig-iisang NoseBleed magazine.  Paki-email lang sa ‘kin ang inyong pangalan at address dito sa badoodles[at] rocketmail [dot] com para maipadala ko sa inyo ang inyong kopya.  Tenks tenks.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Trending Articles


NANLUMO


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Suspek sa pagkakasagasa sa mag-ama, kinasuhan na


Pawnshop sa Iloilo City hinoldap


KALIWA’T KANAN ANG ILIGAL NA PASUGALAN ‘DI MATINAG


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


BUSABOS


SARILI


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


RTC Quezon City, Pasay City convict four employers for non-remittance of SSS...


Ina Raymundo, nilayasan ng asawa


Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde


Tundo Man May Langit Din


SULASOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar