Badoodles Junior, Hoy ano na? Excited nakong makita ka. Kelan ka ba lalabas? Antagal-tagal ng siyam na buwan. Pwede bang labas ka na ng pitong buwan pwede na ‘yun. Laro tayo ng football. Tapos magpapancit tayo. Tapos sama kita sa beerhaus. Tuturuan kita pano mang-tsiks ng kahit walang pera.
Dalawang beses nang pinarinig sa ‘kin ni doktora ‘yung heartbeat mo gamit ang doppler. Putik. Anlakas ng tunog para kang rakistang nag-go-growl. Ambilis pa. 150 beats per minute. Pukinginangsheet. Siguro kaskasero ka paglaki mo. Baka maging magaling kang jeepney driver paglaki mo. O kaya high speed kubrador ng hweteng. Watdahek, basta makabuhay ka ng pamilya, oks na sakin ‘yun.
Nakita na rin kita sa ultrasound. Syempre wala namang pinagkaiba, mukha kang baby. Sabi ni doktora, matangkad ka raw pero anliit mo pa rin tignan. Pero syempre mas cute ka sa ‘kin. Enero pa lang, hiningi na kita kay Mama Mary. Sabi ko, ‘Mama Mary pa-order ng isang cute na badoodles junior na kasintakaw ko kumain’.
Lam mo bang hindi matanggal ang ngiti ko pag naiisip kong magkakaroon na ako ng Badoodles Jr? Pagpasok sa opisina, iniisip na nga ng mga nakakasabay ko sa elevator na baka manyak ako. Lalo pa’t napapakapit ako kung kani-kaninong pwet dahil sa excitement. ‘Yung tindera sa canteen, nagtaas ng kamay, kala holdap.
Pag niyayakap ko si BebeKo sa tiyan, sabi niya sumisipa ka raw, ayaw mo. Kabata-bata mo pa lang possessive ka na. Sige pag labas mo, sisipain din kita makita mo. Hehe. Ang likot mo na nga, palipat lipat ka pa ng lugar. Iskwater boy in da making.
Pag malaki ka na, una kong ituturo sa ‘yo ang pagbasa ng traffic lights. Red is stop, green is go. Dami kasing Pilipino ngayon antatanda na hindi pa marunong sumunod sa batas trapiko . Wala lang. Trip lang kitang palakihin na socially aware saka responsable.
Palaging magpasalamat sa taong mabait sa ‘yo. Ang Mommy mo, tinitiis lumunok ng mga bitaminang kasinlaki ng bato ni Darna para siguradong kumpleto ka sa nutrisyon. Sabi ko kay BebeKo huwag gaano, masobrahan ka ng nutrients mamya tubuan ka ng tatlong mata. Hindi ka na cute.
Cool akong daddy. Kung anuman ang gusto mong gawin sa buhay paglaki mo, igagalang ko ‘yun basta wala ka lang aapakang ibang tao. ‘Yan ang gintong batas ng buhay. Don’t shit others if you don’t want others shitting you. At kung may mambully sa ‘yo sa school at hindi ikaw ang nauna, bahala ka nang mag-decide kung ano sa tingin mo ang tama sa mali. I won’t judge you, I’m not a book. Ang masasabi ko lang, ‘yang mga bully na ‘yan, bumabait ‘yan pag tinatarakan ng bagong tasang lapis sa mata. [sipol]
Pero syempre wag mo naman akong tatablahin dahil kahit junior kita baka makatikim ka ng full swing na palo ng bat o batuhin kita ng granada. Ang tatay ko, nahabol na ako ng kutsilyo kasi mayabang daw ako. Hindi malayong maghabulan din tayo ‘pag mas mayabang ka sa ‘kin.
For the record, pumapayag na ‘kong kahati kita sa dede ng Mommy mo. Aprub. Basta sa kaliwa ka lang ok? Sa kanan naman ako. Buti nga kayong mga baby, konting pihit nyo lang ng iyak, nilalabas agad ng mga Mommy ang dede nila. Kami kahit siguro umiyak kami ng todo todo, ayaw kaming padedein agad-agad.
Paglabas mo, alam ko na kakumpitensiya na kita sa lahat ng bagay tulad ng yakap ni BebeKo, atensiyon ni BebeKo, at pagmamahal ni BebeKo. Tandaan mo, seniority first. Dapat igalang ang nakatatanda. Lalo na ang matandang isip bata. Saka isa pa, pinakaimportanteng dapat mong tandaan, ako ang may-ari ng remote control sa bahay.
Hehe biro ko lang mga yan. Huwag kang seryoso paglabas mo kundi hahatakin ko ‘yang bunganga mo ng pa-horizontal para mapilitan kang ngumiti. Life is good. Sabi nga ni Louis Armstrong, ‘watta wonderful world’.
