Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Kwentong Pamilya
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Long Kiss Goodbye, Lola

$
0
0

Tatlong sunud-sunod na gabi akong hindi nakatulog.  Ganitong ganito din ako bago namatay si lolo.  Kaya pala lola, nagpapaalam ka na rin.  Ang weird naman ng superpowers ko na ‘to.  Sabi mo sa akin noon, ‘gift yan apo’ nung napanaginipan kong nadedbol ‘yung alaga kong tuta na kinabukasan ay nagkatotoo nga.  Pano naging ‘gift’ ang maramdaman ang pagpanaw ng isang minamahal?  Napakawalang kwentang gift naman nito.  Sana naman kung binigyan ako ng superpowers, ‘yung nakakalipad ako para iwas trapik o kaya makapag freeze ng tao para makapag-pickpocket ng mga cellphone.

 

Alala ko pa, andami mong mga payo sa akin noon. May mga seryoso, may mga parang nangti-trip ka lang.  ‘Yung iba may sense tulad ng, ‘Apo, wag ka munang titikim ng mani, bata ka pa, nakakaadik ‘yan’.  Totoo nga, nakakaadik nga.  Sori sa pagsuway.  Naadik ako sa mani. Ganun siguro kung anong pinagbabawal nakaka-curious gawin.  Buti hindi mo ko pinagtripan ng ‘Apo, bawal tumalon sa bangin, nakakaadik ‘yan’.

 

Gusto kong magpasalamat sa ‘yo. Kung hindi ka maagang kumerengkeng noon sa edad na kinse anyos, wala sana akong Mommy.  Dahil sa ‘yo nagkaroon ako ng mabait at lababol na nanay.  Pag kaharap ka pa ni Mommy, nakikita ko kung paano maglambing ang nanay ko sa ‘yo, nagpapaluto ng paborito nyang ulam.  Bihira ang ganong pagkakataon na makita mong bumabalik sa pagiging ‘anak’ ang sarili mong magulang.  OA tignan pero ok na din.  Kulang na lang sabihin ni Mommy sa ‘yo, ‘Ma enge allowance’. 

 

Salamat sa pag-aalaga niyo sa kin ni lolo nung bata pa ako.  Alam ko, medyo matigas ulo ko noon.  Minsan pinabili mo ko ng mantika.  Sa halip na bumili ako ng mantika, pinambili ko ng babolgam na Bazooka ‘yung pera.  Tapos ‘yung supot inihian ko saka ko binigay ko sa ‘yo, sabi ko mantika ‘yun.   Nagtataka ka, kanina ka pa nagpiprito pero hindi man lang tumatalsik ‘yung mantika.  Siyempre, ihi kaya ‘yun alangan naman makaprito ‘yun.  Saka mapanghi ang ihi hindi mo man lang naamoy.  Ako pa sinisi mo.  Hindi ka man lang marunong mag-appreciate ng joke.

 

Meron pa ‘yung nagnenok  ako ng bunga ng papaya sa kapitbahay nating pulis.  Para papaya lang andami mo nang sinabi sa ‘kin.  ‘Yung native na manok, wala naman talaga akong plano na kunin din ‘yon kaso sobrang amo sunod ng sunod sa akin.  At ‘yung anak nung pulis, wala akong intensiyong tiradorin ‘yun sa ulo, nabigla lang ako dahil pinahabol niya ako sa aso.  Galit na galit sa ‘kin ‘yung tatay na pulis.  Hindi naman ako maipa-barangay ni Pulis Patola dahil si lolo nga ang barangay captain.  Sabi mo wag ko nang uulitin, masamang kumain ng galing sa masama. Sawa na kong marinig sa mga pangaral mo kaya may layas layas epeks pa akong nalalaman.  Kaso di ko mapanindigan,  nagutom ako, kaya kinagabihan umuwi din ako.  Sa gate pa lang, nakita kitang nag-aabang sa ulan, naghihintay sa pagbalik ko.  Hindi mo na ko pinagalitan.  Pagpasok ko sa kusina, nakahanda na ang hapag kainan, naamoy ko agad ang  masarap na tinola.  Kala ko ba bawal kainin ang galing sa masama?

 

Naasar pa ako noon, kasi ang tawag mo sa akin ‘pulongkutoy’, parang katunog ng kampon ng mga kuto.  Pero ganun ka siguro magmahal ng apo.  Weird.  Sana tinawag mo na lang akong ‘pulgas’, ‘buni’ o ‘hadhad’, mas disente pang pakinggan. 

 

Hapon na. Oras na para ihatid ka sa ‘yong huling hantungan.  Madilim ang mga ulap, gustong makiramay at magbuhos ng isang mabigat na bagsak ng ulan.  Hindi na kita maihatid baka maiyak lang ako.  Ayaw mo ng apong iyakin, namimingot ka.  Baka mamya bigla kang bumangon dyan sa kabaong tapos pingutin mo ako ulit.  Basta, gusto ko lang sabihin sa ‘yo, ehemm… ehem… mahal na mahal kita.  Salamat sa pag-aalaga sa akin.  Sayang hindi mo na naabutan ang apo mo sa tuhod sa amin ni BebeKo.  Bye bye.  Baunin mo sana ang masasayang alaala, pagmamahal namin, at munting panalangin na sana magkita kayo ni lolo sa kabilang buhay at dun ituloy niyo ang inyong labing labing forever.  Sa pag-alis mo, hindi lang ako nawalan ng isang lola, nawalan din ako ng isang kaibigan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Trending Articles


NANLUMO


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Suspek sa pagkakasagasa sa mag-ama, kinasuhan na


Pawnshop sa Iloilo City hinoldap


KALIWA’T KANAN ANG ILIGAL NA PASUGALAN ‘DI MATINAG


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


BUSABOS


SARILI


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


RTC Quezon City, Pasay City convict four employers for non-remittance of SSS...


Ina Raymundo, nilayasan ng asawa


Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde


Tundo Man May Langit Din


SULASOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar