Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Kwentong Pamilya
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Maid In The City

$
0
0

 pugadbaboy

 

Ang mahirap sa bagong mag-asawa, ‘yung nagtuturuan kayo sinong gagawa ng ganito ganyan.  Sinong magluluto, sinong maglalaba, sinong tagamasahe atbp.  Kailangan pa naming daanin ni BebeKo sa jack en poy, pustahan sa Scrabble, at marahas na paraan tulad ng wrestling hanggang mapigtas ang hininga kung sino ba ang toka sa mga gawaing bahay.  Pero lahat ng problemang ‘yan, solb lahat ‘yan ‘pag may katulong na.  At dahil mahirap kumuha ng katulong na basta-basta na lang, nagpadala ang aking paboritong dad-in-law ng makakasama namin sa bahay galing sa probinsiya namin. 

 


Hindi ko nga lang alam kung talagang katulong ‘to o spy lang.  Pagkadating kasi sa apartment wala ng ginawa kundi magbasa ng mga libro kong Dan Brown at Robert Ludlum. At wala pang hininging permiso yan na galawin ang mga libro ko owkei? 

 

Napag-isip isip kong itama ang kanyang naliligaw na landas.  Baka lang nauga ang utak sa biyahe.

Ako: ‘Inday [ang kanyang non-showbiz name siyempre], ayaw mo bang magbasa ng romance pocketbooks, mas bagay kasi sa ‘yo ‘yun?’

Inday:  ‘Si kuya talaga. Hangkorni’. 

Ayos AH.  Ako pa ‘tong korni.

Ako: ‘Ano namang korni dun?’

Inday: ‘You mean Sweet Valley High right?  O ‘yung tagalog pocketbooks na madaming bed scene sa gitnang tsapter?  Ayoko nun, nakakaadik’.

Oha. Umepal pa kasi ako. 

 

At paborito talaga niyang ulit-ulitin ‘yung mga spy novels tulad ng Bourne Ultimatum.  Iniisip ko nga baka pag umaalis ako ng bahay,  kunyari spy siya tapos meron siyang hawak na magnifying glass tapos pinapasadahan niya ang brief ko para maghanap ng estrangherong bulbol, natuyong tamod, at iba pang ebidensiya para malaman ang mga kabulastugang pinaggagawa ko at maireport agad ako sa magandang misis ko.

 

At magaling din siyang magrason. 

‘Bakit butas butas na ‘tong mga brief ko?’.  Alam ko na kung bakit pero gusto ko lang umamin siya na gigil na gigil siya magkusot, tapos binababad pa niya ng todo-todo sa kalamansi na malayo na ang posibilidad na mabuhay pa ang mikrobyo kahit pa sa kabilang buhay.  Ganun.

‘Kuya alam mo kasi ‘yung mga langgam kinagat kagat ‘yang brief mo, matamis siguro’, binalik sa ’kin ang sisi. 

‘O? Hindi nga?’

‘Oo kuya tapos iba’t iba ang kulay saka sizes nila?’, sabi nya habang dinedemonstrate sa kamay ang ‘sizes’ ng langgam na parang sinlaki ng sanggol.  Kewl.

‘Nilagyan ko nga ng chalk na insect repellant ang buong bahay natin para di na sila makapasok.’, pagyayabang ni Inday na parang sinagip kami sa isang tiyak na kapahamakan.  Kaya ngayon itsurang higanteng blackboard ang buong kabahayan at may drowing pa ng iba’t ibang hugis ng hayop na makakapatay daw ng langgam.  Meron pang drowing na dragon.

 

Di ba ‘pag katulong ka, ikaw ang inuutusan?  Mali, AKO ang inuutusan niya.

‘Kuya, nasabi mo na bang barado ‘yung poso negro natin sa may-ari ng bahay?  Sabihin mo ha’. Hindi siya marunong magsabi ng please.

‘Hindi pa.’ , sagot ko.

‘Bakit hindi pa?’, sabi niya habang hinihintay ang paliwanag ko. Demanding talaga.

‘Kasi kumakain pa ako.  Ansarap ngang kumain habang binabanggit mo ‘yang poso negrong yan’

At hehe lang ang sinagot niya.  Ambait.

 

At hindi lang ‘yan, ako din ang nagpapalit ng tubig namin sa water dispenser.  Naiisip ko tuloy hindi kaya ako dapat ang sinuswelduhan nito?

 

Tapos hindi ko din siya mautusang gumawa ng masamang bagay.   Sabi ko sa kanya, ‘Pakisingil mamya ‘yung mga kapitbahay nating nakikabit ng cable’.  Sagot ba naman sa kin, ‘Hindi ba kuya parang jumper ‘yan.  Alam ko bawal ‘yan eh’.  Nag-isip ako ng isasagot, kailangan kong makumbinsi ang babaeng ito.  ‘Hindi naman bawal ‘yan, tumutulong ka lang sa kapwa mo.  Pakisama lang din’.  Pero matigas talaga ang kanyang paniniwala.  Sabi, ‘Kasi ang alam ko kuya makukulong ka dyan.  Tapos anim na taon ka n’yan sa bilibid.  May mga naririnig pa nga akong nirereyp sa pwet sa kulungan.  Alam mo ‘yun kuya?’.

 

Whew.  Natahimik ako.  Tumulo na lang ang pawis ko sa takot.  Wala na akong nasabi kundi, ‘Ngayon alam ko na.  Salamat po sa concern’. [sarkastik] Kulang na lang sabihin niya sakin, ‘Kuya pag tinanggal mo ko sa trabaho, meron akong alas laban sa ‘yo belat mo.  At hindi mo ako kayang tanggalin dahil ipapahuli kita sa pulis.  Wink wink’.

 

At tsismosa din.

‘Ate, bakit si Kuya exercise ng exercise, malaki pa rin ang tiyan’.

‘Sshhhh… marinig ka ng kuya mo’

‘Ganun?  Hindi niya ba alam na butsog siya’  Gusto ko siyang batukan pero napapailing na lang ako sa mga kakaibang hirit niya.  Nakngpatingyan.  Para siyang isang gintong minahan ng komedya.  Walang balak magpatawa pero nakakatawa.  Tingin ko nakatagpo nako ng katapat ko.

 

Sa kabilang banda, mas ok pa rin talaga ang magkaroon ng kasama sa bahay, para kang hari na nakahilata lang, maghapong makikipaglabing-labing sa misis mo tapos kakatukin ka lang sa kwarto para sabihing kakain na.  Hindi na rin ako gaanong nag-aalala ‘pag late nakong nakakauwi sa bahay dahil may kasama ang maganda kong misis.  Eto ang masarap sa buhay Pinas, maraming nakaalalay sa ‘yo.  At walang ganito sa States.

 

At nalilibre din kami ngayon sa dami ng kangkong na binibigay sa kanya ng mga sunog baga boys samin na mahilig magpalipad hangin sa kanya.  Purgang purga na nga kami sa adobong kangkong sa almusal, tanghalian at hapunan.  Pati nga ‘yung kagawad sa barangay, binibigyan siya ng pang meryenda.

 

Kumbaga the benefits outweigh the disadvantages.   Ayos na din ‘to.  Maliban sa gaan sa trabahong dulot ng may katulong sa bahay, meron ka pang instant entertainment na parang Dolby surround sound ang boses.

 

* PugadBaboy strip By Pol Medina Jr.

 



Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Trending Articles


NANLUMO


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Suspek sa pagkakasagasa sa mag-ama, kinasuhan na


Pawnshop sa Iloilo City hinoldap


KALIWA’T KANAN ANG ILIGAL NA PASUGALAN ‘DI MATINAG


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


BUSABOS


SARILI


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


RTC Quezon City, Pasay City convict four employers for non-remittance of SSS...


Ina Raymundo, nilayasan ng asawa


Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde


Tundo Man May Langit Din


SULASOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar