Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Kwentong Pamilya
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Daddylicious

$
0
0

‘Miyawrrr! Be!!!!’.  Ginising ako ng isang mabigat na dagan sa butchog ko ng madaling araw.  Akala ko ‘yung pusa na naman, hahatawin ko na sana ng raketang dekuryente na pamatay namin ng langaw.  Kaboses ni BebeKo.  Pupungas pungas akong dumilat at pilit inaaninag sa dilim ang nakahambalang sa harapan ko.  Unti-unting nagkaporma ang kaninang hugis pusang nakadagan sa akin.  Si BebeKo nga, hawak ang isang strip ng papel na pinagmulan ng kanyang kakaibang kasiyahan.  Imposible namang na-promote si BebeKo kasi kung tungkol sa promotion ‘yun, dapat envelope ‘yun na punum puno ng milyones na kwarta. 

‘Tatay ka na!’

‘Ha?’

‘Hindi ka ba natutuwa?  Hindi ka ba tatalon sa tuwa?’.   Naghihintay si BebeKo ng gagawin ko.  Pero hindi ko pa maintindihan ang lahat.  Mabagal mag-reboot ang utak ko pag madaling araw.  Paano ako naging tatay nang dahil lang sa isang strip ng papel na amoy ihi? 

‘Ha?  Kailangan ko ba talagang…?’ Nagdadalawang isip akong tumalon.  Kung ikaw ba naman na tinatrangkaso at nagkumbulsiyon magdamag ay gigisingin ng madaling araw para patalunin, makakatalon ka kaya?

 

Sumimangot na si BebeKo kaya bigla kong binawi ang nasabi.  ‘Eto na po, tatalon na po’.    

 

Nag-umaga na at saka ko pa lang naintindihan ang lahat ng pangyayari.  Isang mayabang na ngiti ang binati ko kina kagawad, sa mga butihing kapitbahay at kay Haring Araw.  Sa wakas, nagbunga din ang pakikipaglabing-labing ni BebeKo sa kanyang labandero [Hehe, ako ‘yung labanderong ‘yun].  Certified na papabol na nga ako.  Papalicious na labandero.  At ngayon ko lang napagtanto ang kahulugan ng pangyayari ng mga nakaraang araw.

 

Nung isang linggo kasi pauwi na ‘ko nang mag-txt si misis nagpapabili ng spaghetti with meatballs saka chicken joy na DAPAT ay may extra gravy.  Meron naman si bayaw sa bahay pero ako daw DAPAT ang bumili. Pasarado na ang SM Munti pag-uwi ko, palabas na lahat ng mga saleslady matapos ang maghapong pagi-istapler ng kung anu-ano.  Tumingin ako sa paligid, naghahanap ng mapapasukan.  Nakakita ng butas.  Nagmamadali akong sumalisi papasok sa exit para lang sawayin at harangin ng guwardiya. ‘Bos, sarado na po’.  Pero nagkunwaring bingengot ako at tumuloy-tuloy lang patungong Greenwich na noon ay nagsasara na.  Mabilis na kinausap ko ang hindi gaanong seksing bisor nila.  ‘Yun ‘yung mga pagkakataong kaya kong isugal ang aking katawan kapalit ng spaghetti with meat balls.  At kung hindi ko makuha sa santong dasalan ay handa akong magkagat labi sa harap ni miss bisor, magpakita ng nipple kong may dalawang piraso ng kulot na buhok o  kaya’y maghubo ng salawal ng tatlong segundo. ‘Baka naman naglilihi ang misis mo’, pabiro ni miss bisor sabay ang malagkit na tingin.  ‘Oo, naglilihi nga’, sinakyan ko na lang din na hindi ko sineryosong biro.  ‘Hindi kasi ako makakauwi pag walang dalang spaghetti’.  Mukang nauunawaan naman ako ni miss bisor pero kanina pa nagpapatintero ang magkabilang kilay nung cook sa pantry habang banas na sinusuot ulit ang toque at sinisindihan ang lutuan. 

 

At ngayon nga, may kakaibang hiling si BebeKo.  Madalas kasing humatsing si BebeKo ng sunod-sunod na parang armalite tuwing umaga.  [Sige na nga, ‘allergic rhinitis’ ‘yun para tunog mayaman].  Ilang daang araw na kaming mag-asawa pero ngayon nya lang ako tinanong kung bakit ako tumatalikod pag humahatsing siya.  ‘Ha? Ano..’, nag-iisip ako kung pano sumagot na walang damdaming masasaktan.  Di ko pwedeng sabihing sari-saring bacteria at germs ang malalanghap ko at pag tatlong sunod-sunod na hatsing ay triple strength bacteria + germs ‘yun.  Umilaw ang imaginary bumbilya  sa kukote ko. ‘Be, di ba talaga namang patagilid ako matulog?’

‘Ayoko’, hindi kumbinsido si BebeKo.

‘Anong ayaw mo?’

‘Basta, gusto ko pag humahatsing ako, nakaharap ka lang.’

Ha?  Kailangan ko ba talagang pagdaanan ang mga ganitong bagay sa ngalan ng paglilihi?  At kung level 1 pa lang na pahirap ito, ano na lang pagdating sa mga susunod na level up?  Sabi ni pareng Nap, hormones lang daw ito, mga pagbabagong nagaganap sa mga babae.  Pero hindi ako naniniwalang hormones ‘yun.  Si Big Brother lang ‘yun na bumubulong kay BebeKo para pagtripan ako at kung anu-anong tasks ang ipagawa.  Pakyu Big Brother!  Pakyu hormones!

 

Ibang klase din ang senses  ng buntis. Tumatalas ang pang-amoy.  Kala ko nga napalitan na ni Cat Woman ang misis ko.  Sinisilip ko nga ang pwet ni misis kung may buntot pero wala talaga akong makita.  Wala talaga.   ‘Ambantot moooo’, sinasabihan na ako ni BebeKo ngayon ng ganito na akala mo nakaamoy ng higanteng arinola.  Nung isang araw, sabi niya amoy dagat ako.  Tapos nung isa pang araw amoy ihi naman.  Huwat?  Ako mabantot?  Langya, hindi pa ba sapat ‘yung paliligo ko ng minsan sa isang buwan?  Hehe. 

 

Mahirap pala talagang maglihi ang mga babae.  Nung una, kala ko tsismis lang ‘yun.  Wala naman kasing paliwanag ang siyensiya sa lihi kundi mga ‘simple cravings’ lang.  Simple pala ‘yung  humiling ng manggang walang buto saka mansanas na hugis atis?  Bagamat hindi pa naman ako nakakaabot sa mga ganitong klase ng pahirap pero isa lang ang konklusyon ko, adik lang talaga mga babae sa Pinas.  Adik.  [At sana makapasok pa ako sa bahay pagkatapos nitong mga pinagsusulat kong ‘to].

 



Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Trending Articles


NANLUMO


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Suspek sa pagkakasagasa sa mag-ama, kinasuhan na


Pawnshop sa Iloilo City hinoldap


KALIWA’T KANAN ANG ILIGAL NA PASUGALAN ‘DI MATINAG


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


BUSABOS


SARILI


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


RTC Quezon City, Pasay City convict four employers for non-remittance of SSS...


Ina Raymundo, nilayasan ng asawa


Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde


Tundo Man May Langit Din


SULASOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar